Tuesday, June 12, 2007

Independence Day


“We shall find our way by the light of knowledge.” – Ibarra,
Elias replied “Without freedom, there is no light.”


Ngayong araw na ito ay ginugunita natin ang Araw ng Kalayaan, at bilang pagbibigay pugay at galang sa araw na ito, aking gagamitin ang Tagalog sa pagsusulat ko sa post na ito.

Noong una, inisip ko na magsulat kaya ako ng sampung bagay na magpapaunlad sa buhay ng isang mamayang Pilipino bilang post ko para sa Independence Day. Ngunit napagisip-isip ko, hindi ko naman kailangang magsulat ng mga bagay na "mangangaral" sa mga tao, hindi ko naman sila kailangang tulungan kung anong dapat gawin.

Para kasing mayroong patuloy na bumubulong at nagsasabi sa akin - "Tumulong ka naman." Marahil dahil ang mga kaibigan ko dati ay hindi ganoon kaganda ang estado ng buhay. Bakit marumi ang paligid at maraming basura? Bakit mas maganda ang mga sasakyan, PC at mga tren sa ibang bansa kumpara dito sa atin? Bakit mahirap kumuha ng trabaho at nagsisialisan ng bansa ang mga Pilipino? Bakit maraming cellphone snatcher at hold-upper na naglipana? Bakit tuwing nagco-commute ako ang usok at ang trapik? Bakit ang daming skwater? Bakit hindi na lang pwedeng lahat ay may bahay at ang pinakamahirap ay may karapatan pa ring mangarap, mabuhay at magsaya sa araw-araw.

Ang sagot ko - hindi ko alam. Kabataan pa ako na nag-aaral, may mga sariling problema, may karapatan ding magsaya at may mga pangarap sa buhay. Limitado ang kaya kong gawin. Parang chess na ang bawat piyesa ay may kanya-kanyang tungkulin at galaw na kaya lamang gawin. "Hindi ko kayang ibigay ang wala ako"

Bilang isang kabataan, mas dapat kong pagtuunan ng pansin ang aking sarili, pag-aaral at mga interes sa buhay. Ako ay may kakayahan lamang na maging kaibigan sa mga malapit na tao sa akin na nangangailangan at makatulong sa mga maliliit na bagay. Sa hindi muna pagintindi sa "pagresolba" ng mga malalaking problema ng sosyedad, sa tingin ko ay mas mapagtutuunan ko ng pansin ang aking sarili. Magawa ang mga bagay na ikasisiya at ikauunlad ko bilang isang kabataan.

... Every person has to help oneself. This marks the day I supress those whispers and live by reality.

Our Deepest Fear
by Marianne Williamson
from A Return To Love: Reflections on the Principles of A Course in Miracles

“Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. It is our light, not our darkness that most frightens us. We ask ourselves, Who am I to be brilliant, gorgeous, talented, fabulous? Actually, who are you not to be? You are a child of God. Your playing small does not serve the world. There is nothing enlightened about shrinking so that other people won't feel insecure around you. We are all meant to shine, as children do. We were born to make manifest the glory of God that is within us. It's not just in some of us; it's in everyone. And as we let our own light shine, we unconsciously give other people permission to do the same. As we are liberated from our own fear, our presence automatically liberates others.”

0 comments: